PAG-IISA

Matagal na akong nag-iisa
walang takot na maglakbay na ako lang
walang takot na ang uuwian ko ay ako
walang takot na kapag nag-kasakit ako rin ang manggamot
walang takot na walang makakausap

Sa pag-iisa ko
naririnig ko ang sarili kong mag-isip habang
naghahanap ng sagot sa mga tanong
kagaya ng ano ang gagawin ko sa buhay
saan ako pupunta pagkatapos ng trabaho
anong gagawin ko sa Sabado at Linggo
wala akong kaaway
wala akong hinahanap
walang masyagong problema

Matagal na akong nag-iisa
ng dumating ka at pinakita sa akin
kung papaano mamuhay ng hindi nag-iisa
ang paglalakbay ay masaya
may uuwian akong mukhang nakatawa
may mag-aalaga kapag may sakit
may nakaka-usap at may kakwentuhan

Ngayong wala ka na
ayoko ng maglakbay mag-isa
kalungkutan ang sumasalubong sa akin sa pag-uwi
katapusan na ng mundo pag-nagkasakit
nang  umalis ka
nadala mo kalahati ng lakas ng loob ko
sabihin mo sa akin kong  saan ko makikita
para matuto ulit akong mag-isa
Advertisements

4 responses to this post.

  1. Posted by al on June 6, 2010 at 12:30 pm

    Girl, hindi ata tama ang “kauusap” sa 3rd paragraph last line, kakausap or nakakausap is better.

    Ang pag-iisa ay isang desisyon… o….kapalaran…..??????????
    Ano sa palagay mo?

    Isang bagay ang sigurado ako,,,ang kaligayahan ay isang desisyon……..mmmmmmmm….

    Reply

    • Posted by rgarcellano on June 7, 2010 at 2:24 am

      Hahaha…corrected that mistake. 😀 Destiny? Hmmm…but Prince Dastan said, “We make our own destiny.”

      Reply

  2. Posted by Apo Aguila on June 13, 2010 at 6:55 am

    gurl! i hear yah! 🙂
    pag-iisa ang aking palaging kasama at kausap.

    i feel it, girl! tehehe

    Reply

  3. Posted by Hady :D on June 22, 2010 at 4:16 pm

    Nice 🙂 I use google translate to translate the words.
    Is it about ur real life..? Or just a fiction? I hope just a fiction.. I don’t want you to be lonely ;)..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: