BULONG NG PUSO

(para kay VC)

Ikaw ang bulong ng puso ko

na pumipiglas sa haplos ng kalungkutan

Na bumabalot minuminuto.

Puso na hinahanap ang 

iyong mga halik

bigkas ng iyong mga salita

tindig ng iyong katawan

yapos mong walang katumabas.
Nasaan ka noon?

Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?

Ito ang lagi kong tanong sa mundong malupit na

ipinagkait ang kasayahan sa akin.

Ito ba ay isang biro na maglalaho muli?

Dadating ka ngunit aalis sa isang iglap?

“Sana naman ay manatili hanggang sa wakas” – iyan ang sigaw ng damdamin at isipan ko.

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa mundong napalamutian ng itim;

ang nagbigay sigla sa aking matamlay ng paninindigan.

Ikaw ang nagbigay ng lakas

na tanggapin ko ang ibibigay ng mundo.

Ikaw ang dahilan sa pagsikat at pagbaba ng araw; 

at ikaw di dahilan sa pagbibitiw.
Kung ikaw ay lilisan

magdidilim ang mundo ko;

ngunit kung ikaw ay magiging masaya

sa piling ng iba

ikaw ay malayang kong pakakawalan.

Sa aking pagbitiw kasama ang tahimik

na nais: “Sana naman ay manatili hanggang sa wakas”.

Sa tabi ko o sa malayo

ikaw ang laman ng damdamin ko,

ikaw ang nasa loob ng isipan ko,

ikaw ang bulong ng puso ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: